Monday, March 12, 2018

KABANATA VIII - MALIGAYANG PASKO

Kabanata VIII - Maligayang Pasko
Jonalyn V. Omania

I. Tauhan
  1. Juli - umalis sa kanilang tahanan upang manilbihan kay Hermana Penchang.
  2. Tandang Selo - nawalan ng tinig dahil sa kalungkutang naramdaman na ang kanyang apo ay manilbihan bilang alipin.
II. Maikling Buod
  • Kinaumagahan ay agad na tinungo ni Juli ang kinalalagyan ng mahal na Birhen upang alamin kung may dalawang daan at limampung piso sa ilalim nito. Sa kasamaang palad ay hindi naghimala ang mahal na Birhen kaya inaliw na lamang niya ang sarili at inayos ang damit na dadalhin patungo sa tahanan ni Hermana Penchang. Dahil Pasko, ang mga bata ay binibihisan nang magara upang magsimba at pagkatapos dadalhin sa kanilang mga inong at ninang upang mamasko, kinukuha lang din ng magulang nila at sila ay kinukurot at binubulyawan. Nagpunta sa bahay ni Tandang Selo ang kanilang mga kamag - anak upang mamasko ngunit nang babatiin na niya ang mga ito ay laking gulat niya na walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. Pinisil niya ang kanyang lalamunan, pinihit ang leeg at sinubukang tumawa ngunit kumikibut - kibot lamang ang kanyang mga labi. Si Tandang Selo ay napipi.
III.  Pagsusuring Pangnilalaman

    1. Lugar at Panahon
  • Ang kabanata na ito ay naganap sa lugar at tahanan ni Tandang Selo at sa Simbahan dahil ito ay nasa panahon ng disyembre , pinagdidiwang ang pasko.
   2. Suliranin
  • Ang mga magulang ng mga bata ay sobrang higpit dahil ang mga bata ay pinipilit ng mga magulang nila na bihisan ng maganda at sila ay kinukurot at binubulyawan kapag sinusuway nila ang utos ng magulang nila o kapag hindi nila sinusunod ang mga utos. Dahil sa paninilbihan ni Juli kay Hermana Penchang.
   3. Isyung Panlipunan
  • Ang isyung panlipunan ay ang pang - aabuso at ang hindi pagkapantay - pantay ng pagturing sa kapwa tao. Pang - aabuso dahil inaabuso ng mga magulang ang mga bata sa pagkat sa kanila at pagbulyaw. Hindi pagkakapantay - pantay dahil si Juli ay naging alipin ni Hermana Penchang.
 IV. Aral
  • Ang aral na natutunan ko sa kabanata na ito ay hindi pala lahat ng tao ay masaya kapag sumapit ang pasko. May iba na napipilitang lumayo, may iba din na pinaghihigpitan ng magulang at may iba ring nawawalan ng tinig dahil sa kalungkutan. Kaya kapag kumpleto kayong magkakapamilya at masaya ang inyong pasko ay dapat pagpasalamat tayo sa Diyos dahil sa mga binigay niyang biyaya at para sa maligayang pasko.